Mas bumilis pa ang bagyong Ramil habang ito ay patungo sa direksyonng kanlurang karagatan ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 445 kilometers ng Silangang bahagi ng Juban, Sorsogon.
May taglay ito ng lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal sa mga lugar ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya; Rizal, City of Tabuk, Tanudan, Lubuagan, Tinglayan sa Kalinga; Mountain Province, Ifugao, Benguet; Cervantes, Alilem, Sugpon, Suyo, Tagudin sa Ilocos Sur; La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija; , Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Angat sa Bulacan; Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, Paniqui, Moncada, San Manuel, Anao, Ramos, Pura, Victoria, City of Tarlac, La Paz, Concepcion, Gerona sa Tarlac; Magalang, Arayat, Candaba sa Pampanga; Tagkawayan, Perez, Alabat, Quezon, Atimonan, Padre Burgos, Unisan, Gumaca, Plaridel, Agdangan, Pagbilao, Mauban, Calauag, Guinayangan, Lopez, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan, San Narciso, Buenavista, San Francisco, San Andres, Mulanay, General Nakar, Infanta, Real, Sampaloc sa Quezon kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, at Ticao Island.
Kasama ring nakataas ang signal number 1 sa mga lugar ng Northern Samar;San Policarpo, Arteche, Oras, Dolores, Maslog, Jipapad, Taft, Can-Avid sa Eastern Samar; Matuguinao, San Jose de Buan, Calbayog City, Gandara, Santa Margarita, Pagsanghan, San Jorge sa Samar.
Inaasahan na patungong kanlurang bahagi Central at Southern Luzon.
Inaasahan na magla-landfall ang bagyo sa Catanduanes bukas ng hapon o gabi.
Matapos na dumaan sa mainland Bicol Region ay muling magla-landfall din ito sa Aurora o Quezon ng Linggo (Oktubre 19)ng umaga at iikot sa Northern at Central Luzon bago tuluyang dadaan sa West Philippine Sea ng linggo ng hapon o gabi.