Inihayag ng Quezon City Police District (QCPD) na naging generally peaceful ang naging malawakang demonstrasyon sa EDSA People Power Monument at maging sa EDSA Shrine.
Sa naging esksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines kay QCPD Public Information Office Chief PMaj. Jennifer Gannaban, bagamat nagkaroon ng kaunting girian sa pagitan ng dalawang grupo ng mga demonstrador ay agad din itong naayos.
Wala ring naitalang naaresto sa lugar dahil naging maayos at mapayapa naman aniya ang naging kilusan ng mga grupong nagtipon-tipon sa mga bahaging ito ng EDSA.
Nagpaabot naman ng labis na paaasalamat ang QCPD sa lahat ng lider at organizers ng mga progresibong grupo na nagkasa ng rally sa EDSA dahil naging disiplinado at sumunod ang mga ito sa mga alituntunin na nakasaad sa kani-kanilang nga naging permits.
Nagbigay din ng pasasalamat ang QCPD sa lahat ng pulis at iba pang law enforcement agencies maging mga force multiplier mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon City dahil sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan para sa kabuuan ng naging malawakang kilos protesta.
Samantala, sa kabuuan ay nakapagtala ng hindi bababa sa 15,000 mga demonstrador ang dumalo sa naging malawakang rally kahapon sa bahagi pa lamang ito ng EDSA na siya naman aniyang nakauwi rin ng ligtas at payapa.
Bagamat may mga naitalang nahilo at sumikip ang dibdib sa mga unang bahagi ng naturang programa kahapon ay wala namang naitalang nasaktan sa naging rally na ito sa EDSA.
















