-- Advertisements --

Pinaghahandaan na rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ikakasang three-day Peace rally ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Nobyembre 16 hanggang Nobyembre 18.

Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ni NCRPO Spokesperson PMaj. Hazel Asilo na magttalaga ang kanilang himpilan ng kabuuang bilang na 16,433 na mga tauhan kung saan higit sa 8,000 ang mula sa kaniang regional office habang higit sa 7,000 naman ang augmentation mula sa iba’t iba pang himpilan ng pulisya.

Maliban naman sa malawakang Peace Rally ay binabantayan rin ang ikakasang kilos protesta sa bahagi naman ng Quezon City na pangungunahan ng United People’s Initiative na pepwesto sa EDSA People Power Monument at maging ilang mga grupo sa EDSA Shrine.

Ang bilang naman ng deployment ay posible pang mabago at madagdagan bunsod nga ng naging usapin sa hindi umano’y mga destabilizers na naglalayong sirain ang chain of command sa kasalukuyang administrasyon.

Ani Asilo, sasailalim pa sa final coordination ang PNP katuwang ang iba pang law enforcement agencies para talakayin ang usapin na ito lalo na at nakikitang malaki ang epekto nito sa bansa.

Sa pamamagitan aniya nito ay mailalatag ang pinakapinal na deployment ng pulisya depende sa mga magiging tatalakayin at impormasyon na manggagaling sa mismong pagpupulong.

Samantala, inaasahan naman ng NCRPO na hndi lamang sa mga nabanggit na lugar maaarng mag-convene ang mga grupong to at kasalukuyang nakaantabay na rin sa ilan pang pook gaya ng Mendiola, US Embassy, Ayala Bridge at iba pa upang matiyak na magiging mayos, payapa at matiwasay ang mga ikakasang pagtitipon.