Isang malaking tagumpay ngayon sa beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez ang pagbabalik sa kanyang pag-aaral matapos matagumpay niyang ma-defend ang kanyang thesis proposal para sa kanyang masters degree na kanyang kinuha sa Philippine Women’s University (PWU) sa Manila.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Ruffa ang kanyang karanasan sa pagbabalanse ng trabaho, pamilya, at pag-aaral. Aniya,
“I’m living proof that balancing work, family, and school is not easy, but it is worth every moment.”
Dagdag pa ni Ruffa na ang kanyang pag-subok sa edukasyon ay nagpapaalala na “hindi pa huli ang lahat” para tuparin ang mga pangarap. Ani pa nito na ang paglago at pagkatuto ay hindi humihinto anuman ang edad o yugto ng buhay.
“I’m proud of myself for choosing to learn again, to challenge myself, and to keep evolving,” sabi ni Ruffa, at hinikayat ang mga nag-aalangan pa rin sa kanilang pangarap: “You’ve got this.”
Noong Disyembre 2025, inanunsyo ni Ruffa na nagbalik siya sa PWU upang kumuha ng master’s degree sa Communication Arts.
Nakamit niya ang kanyang bachelor’s degree sa parehong larangan noong 2022 sa edad na 48.
Noong 2024, ipinahayag niya ang pag-asa na ang kanyang kuwento ay magiging inspirasyon para sa kababaihan, kabilang ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.
















