-- Advertisements --

Ibinunyag ni Ruffa Gutierrez sa kanyang guesting sa kay Boy Abunda noong Huwebes, Hunyo 12, na kasalukuyan silang hindi nag-uusap ni Herbert Bautista at dumaraan kanilang relasyon bilang “bump.”

Ayon kay Ruffa, hindi pa niya alam kung magtatagal ang ganitong sitwasyon o mag-uusap pa sila muli.

“I’ve been busy, and he has other things that he should take care of as well regarding personal matters,” ani Ruffa. Sinabi rin niyang baka ito na ang tamang oras para magmuni-muni sila kung itutuloy pa ba nila ang relasyon o maghihiwalay na.

Matatandaang noong Hunyo 2024, inamin ni Ruffa na seryoso ang kanilang relasyon ni Bautista, kahit na nais niyang manatiling pribado ang kanilang love life.

Samantala sa parehong interview, tinanong si Ruffa tungkol sa relasyon ng kanyang kapatid na si Richard Gutierrez at Barbie Imperial. Ayon kay Ruffa, minsan ay okay sila, minsan naman ay may “bump.”