-- Advertisements --

Nilinaw ng aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez na bagama’t maayos na ang relasyon nila ng dating asawang si Yilmaz Bektas, hindi sila nagkabalikan bilang magkasintahan.

Sa panayam niya kay Anna Magkawas noong Agosto 12, sinabi ni Ruffa na matagal na niyang pinatawad si Bektas at masaya siyang mayroon silang maayos na co-parenting setup para sa kanilang mga anak na sina Lorin at Venice.

Ayon sa kanya, regular na nakikipag-ugnayan si Bektas sa kanilang mga anak at hindi na siya kailangang tawagan.

Ibinahagi rin ni Ruffa na hindi pa sila nagkikita muli mula noong 2007 o 2008, at tinawag ang kanilang relasyon ngayon bilang “phone pals” o “textmates.”

Sa kabila ng proposal ni Yilmaz noong Marso 2025, sinabi ni Gutierrez na biro lamang iyon at hindi siya nililigawan ng dating asawa.

Samantala, ibinunyag din ng aktres na dumaraan sa pagsubok ang relasyon nila ni Herbert Bautista at kasalukuyan silang hindi nag-uusap.