Natupad ni Marjorie Barretto ang matagal na niyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo sa edad na 51.
Ibinahagi ng aktres sa social media ang emosyonal niyang paglalakbay pabalik sa pag-aaral, matapos itong isantabi noon para sa showbiz, pagiging ina, public service, at negosyo.
“At 51 years old, I finally wore this cap and gown,” ani Marjorie sa kanyang Instagram post. “But God never forgot. In His perfect time, He gave me the courage to return, the strength to push through, and the joy of crossing this finish line.”
Pinakamatamis para sa kanya ang presensya ng kanyang mga anak sa araw ng kanyang pagtatapos. ”The sweetest part? My children were there to witness it — taking my photos and videos, handing me flowers and gifts. A moment so surreal, a full circle moment,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat pa si Marjorie sa Philippine Women’s University (PWU) at sa kaibigang si Ruffa Gutierrez na nagtulak sa kanya na bumalik sa kolehiyo. Si Ruffa rin umano ang unang nagtapos sa kanilang grupo at patuloy na nagbigay ng inspirasyon.
Pinasalamatan din niya ang kanyang mga mahal sa buhay na sumuporta sa kanya sa panahon ng pangamba at pagdududa.
Sa pagtatapos ng kanyang post, nagbigay siya ng inspirasyon sa kapwa niya may edad na rin: “To my loved ones who inspired me, pushed me, and talked me out of my panic and anxieties — thank you from the bottom of my heart.”
Samantala nagtapos sa parehong taon ang kanyang anak na si Leon Barretto, na masayang ibinahagi ang milestone nila ng kanyang ina sa Instagram.
‘Not a lot of people can say they graduated college the same year as their mom. it’s really never too late—congratulations, mom! truly an inspiration to my siblings and me #2025graduates,’ ayon sa post ni Leon.