-- Advertisements --

Arestado ang isang ‘uniformed personnel’ sa Paranaque matapos na magpaputok ng baril nitong bisperas ng pagsalubong sa Pasko.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Southern Police District (SPD) ang naturang indibidwal habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Kasalukuyan na ring inihahanda ang mga kaukalang kaso na nakatakdang isampa sa suspek dahil sa naging paglabag nito.

Samantala, tiniyak rin ng NCRPO na wala namang naitalang nasugatan sa insidente at patuloy ding inaalam sa kasalukuyan kung saan tumama ang stray bullet na nagmula sa baril ng suspek.