-- Advertisements --

Itataas ng Senate committee on finance ang subsistence allowance ng mga uniformed personnel ng pamahalaan sa ilalim ng panukalang 2026 national budget.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng senate finance committee, ang subsistence allowance ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard, pulis, at iba pang uniformed personnel ay gagawing 350 pesos mula sa kasalukuyang 150 pesos.

Ito ay matapos ilipat ng komite ang 23.7 billion pesos mula sa miscellaneous personnel benefit fund, sa rekomendasyon ni Senador JV Ejercito.

Mahigit 33,000 uniformed personnel mula sa PNP, PCG, BJMP, BuCor, BFP, Philippine Public Safety College, at NAMRIA ang makikinabang dito.Layon ng hakbang na ito na mapantayan ang subsistence allowance na natatanggap ng mga sundalo.