Maluwag na tinanggap ng Rain or Shine ang pag-alis ni Raymond Almazan.

Lumipat na kasi sa Meralco Bolts si Almazan para makuha ng Rain or Shine ang first-round picks sa 2019 at 2021.

Ang nasabing trade ay aprubado ng opisina ng PBA Commissioner.

Sinabi ni RoS co-team owner Raymund Yu na walang naging kasalanan ang 29-anyos na si Almazan sa paglipat nito sa Bolts.