Suportado ng isang gaming firm ang Bangko Sentral ng Pilipinas para sa hakbang nitong pagpapalakas ng mga panuntunan sa online gambling payments habang ibinabala nito ang posibleng banta ng ilang restrictions sa industriya.
Ayon sa pamunuan ng DFNN Inc., gumagana naman ang kasalukuyang mga regulasyon sa online gaming.
Sa kabila nito ay tiniyak ng kumpanya na suportado nila ang magiging karagdagang measures.
Batay sa inilabas na draft circular ng BSP, nakasaad dito ang outlined na bagong rules na kung saan nag rerequire sa mga banks, e-wallets at iba pang payment service providers na magpatupad ng enhanced safeguards bago mag facilitate ng mga online gambling payments.
Kabilang sa pinatatag na regulations ay ang paglalagay ng daily spending caps, time limits at biometric verification.
Layon ng hakbang na ito na matiyak na tanging mga adult lamang ang maaaring magamit ang serbisyo at hindi ang mga menor de edad.
Ikinababahala naman ng ilan sa mga licensed online gaming operators ang planong total ban sa online gambling sa bansa.
Hindi aniya nito mapipigilan ang mga Pilipino sa paglalaro at sa halip ay maaaring magtungo lamang ang mga manlalaro sa black market.