-- Advertisements --

Nakarating na sa Ukraine ang unang Abrams tanks ng Australia.

Ang M1A1 Abrams tanks ay regalo ng Australia bilang panlaban sa Russia.

Nagkaroon ng pagkaantala ng mahigit siyam na buwan dahil kinailangan pa ang pag-apruba ng US.

Sinabi ni Prime Minister Anthony Albanese ng Australia, na mahalaga ang aprubal ng US sa pamamahagi ng tangke na gawa sa Estados Unidos bago ito ipamahagi sa third world country.

Unang ipinangako ito ng Australia sa Ukraine noong Oktubre pa ng nakaraang taon.

Naipasakamay na ng Australia ang mahigit sa kalahati ng 49 piraso na naipangako nila habang ang mga natitira ay maaring dumating na rin sa mga susunod na buwan.

Natitiyak ng Australia na may mahalagangtulong ito sa Ukraine laban sa Russia.

Ang 49 na Abram Tanks ay mula sa fleet ng 59 na nabili ng Australia noong 2007 at ito ngayon ay pinalitan ng M1 A2 model.

Mayroong kabuuang halaga na $245 milyon na bilang bahagi ng $1.5 bilyon na pangakong tulong ng Australia sa Ukraine.