Rain or Shine Elasto Painters
RoS Painters/ PBA image

Tinuldukan na ng Rain or Shine ang kanilang limang magkakasunod na pagkatalo matapos malusutan ang Blackwater 99-82 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup.

Nanguna sa panalo ng Painters si Rey Nambatac na nagtala ng 18 points, pitong rebounds at pitong assists.

Kapwa namang nagtala ng tig 17 points sin Beau Belga at ang bagong import nilang si Kwame Alexander.

Ito ang unang laro ni Alexander matapos palitan niya si Kayel Locke kung saan mayroon din itong 16 rebounds.

Ikinatuwa naman na Rain or Shine coach Caloy Garcia ang panalo dahil sa naputol na nila ang magkakasunod na talo.

Umaasa rin sila na makasama sa top 8 sa nalalapit na quarterfinals.

Nasayang naman ang ginawang 27 points, 11 rebounds ni Bobby Ray Parks habang mayroong 21 points at 12 rebounds si Marquis Blakely.