Rain or Shine/ PBA.ph image

Nakuha ng Rain or Shine ang unang panalo sa best of seven semifinals ng PBA Philippine Cup nila ng Magnolia Hotshots 84-77.

Binuhat ni rookie Javee Mocon ang Painters na nagtala ng 15 points at 10 rebounds para itanghala ng Best Player ng laro.

Nag-ambag naman ng 13 points , walong rebounds si Gabe Norwood habang mayroong 12 points si Beau Belga.

Sinabi naman ni Rain or Shine coach Caloy Garcia na mahalaga ang manalo sa unang laro pero iniisip nilang susunod na laro.