Hindi pinaporma ng NLEX ang Rain or Shine 94-74 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup elimination round.

Nanguna sa panalo ng NLEX si Kevin Alas na nagtala ng 18 points habang mayroong 17 Jericho Cruz.

Nag-ambag naman ng 13 points si JR Quinahan at 9 points si Raul Soyud.

Mayroong tatlong panalo at limang talo ang NLEX habang ang Rain or Shine ay mayroong apat na panalo at dalawang talo.

Susunod na makakaharap ng NLEX ang San Miguel Beermen habang makakasagupa ng Elasto Painters ang Meralco Bolts.