Pinangunahan ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Navy (PN) Change of Command at Retirement Ceremony para kay outgoing PN Flag Officer-in-Command (FOIC) Vice Admiral Robert Empedrad sa Philippine Navy Headquarters sa Roxas Boulevard.

Si VAdm. Empedrad ay naitalagang FOIC noong December 2017.

Sa nasabing okasyon, pormal na ring nanumpa si bagong Navy FOIC Rear Admiral Giovanni Carlo Bacordo na nagsilbing Commander ng Philippine Fleet simula April 2019.

Miyembro si Bacordo ay rin ng Philippine Military Academy (PMA) ‘Hinirang’ Class of 1987.

Sa kanyang talumpati, inihayag ni Pangulong Duterte na kumpiyansa siyang ipagpapatuloy ni Bacordo ang mga nasimulang reporma at pagpapalakas sa Philippine Navy ni VAdm. Empedrad.

-- Advertisement --