-- Advertisements --

Naglabas na ang Quiapo Church ng advisory para sa mga debotong bibisita sa first Sunday Mass, ilang araw bago ang taunang Traslacion ng imahe ng Jesus Nazareno sa Enero 9.

Bukod dito naglabas narin ang simbahan ng iba’t ibang ruta papasok at palabas ng simbahan depende sa kanilang pinagmulan.

Ilan sa mga exit points sa paligid ng Carriedo at San Juan Bautista patungo sa Recto Ave. at Rizal Ave. ay:

  • Evangelista St.
  • Palma St.
  • Plateria St.
  • Padre Gomez St.
  • Sales St.
  • Estero Cegado

Noong Sabado, dumagsa rin ang mga deboto para sa taunang blessing ng standards at replicas ng imahe ng Jesus Nazareno. Tuwing Enero 9 ginaganap ang Traslacion, na nagpaparangal sa paglilipat ng imahe mula San Nicolas de Tolentino Church sa Intramuros patungong Quiapo Church mula noong 1700s.

Noong 2025, umabot sa higit walong milyong deboto ang dumalo sa Traslacion, na tumagal ng mahigit 20 oras.