Umaabot na sa 200,000 ang nahuli dahil sa paglabag sa health o quarantine protocols na ipinatutupad ng pamahalaan kaugnay sa COVID-19.
Sinabi ni Interior Sec. Eduardo Año, sa naturang bilang, 112,826 indibidwal ang binalaann at pinauwi rin sa kanilang tahanan.
Ayon kay Sec. Año, aabot naman sa 34,134 katao ang pinagmulta habang 64,814 indibidwal ang inaresto dahil sa paglabag sa curfew.
Sa kasalukuyan, nasa 3,000 na lamang ang natitira ngayon sa kulungan.
Ipinaliwanag ni Sec. Año na gumugol ng oras ang inquest proceedings sa mga kaso.
Sa ngayon, nakipagpulong na umano ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan para magkaroon ng uniform na multa at parusa sa mga lalabag sa health protocols.
“Magkakaroon na lang kami ng uniformed implementation kung papaano ipatutupad iyong health standards protocols. Number of days in prison, kapag nag-violate ka ng hindi pag-wear ng mask, we suggest 10 to 30 days; physical distancing also 10 to 30 days imprisonment. At kung ikaw naman ay ipa-fine, it’s about between 1,000 to 5,000 pesos. So iyan iyong magiging uniformed implementation natin,” ani Sec. Año.