Patuloy ang pagpapatupad ng PNP ng mga Quarantine Control Points sa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ.
Ito ang tiniyak ni PNP Directorate for Operations PMGen Emmanuel Licup.
Ayon kay Licup, walang pinagkaiba ang mga checkpoint sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine o ECQ at GCQ at patuloy parin ang pag-check ng mga pulis sa pagsunod ng mga mamayan sa mga alituntunin ng Inter Agency Task Force on the management of Emerging Infectious diseases o IATF-MEID.
Pero bukod aniya sa mga checkpoint, madadagdagan ang trabaho ng mga pulis dahil magdedeploy din sila ng mga tao sa mga magbubukas na kumpanya at mall para masiguro na nasusunod ang social distancing.
Giit ni Licup, kahit na mas maluwag ang GCQ sa ECQ, kailangan parin masunod ang mga minimum health standards na itinakda ng DOH at IATF upang hindi mabalewala ang magandang epekto ng ECQ sa pagpigil ng pagkalat ng Covid 19.
Sa ngayon hinihintay Lang nila ang guidelines mula sa IATF sa mga bagong ipatutupad ba alituntunin sa mga lugar na ibiniba sa GCQ at dun sa mga lugar na mananatili Sa ilalim ng modified ECQ.