-- Advertisements --

Ibinabala ng Prime minister ng Qatar na ang patuloy na paglabag ng Israel sa ceasefire ay magdadala ng panganib sa buong Gaza.

Sa ginawang pulong ni Qatari Prime Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman bin Jassim Al Thani kay US Secretary of State Marco Rubio na ang pagkakantala at paglabag sa ceasefire ay magdadala sa panganib ng buong proseso.

Ilalagay din nito sa mahirap na posisyon ang mga mediators.

Naging pangunahing mediator ang Qatar para tuluyang matigil na ang paggiyera ng Israel sa Gaza.

Magugunitang kinondina ng ilang mga bansa ang patuloy na paglabag ng Israel sa ceasefire deal kung saan patuloy din ang ginagawa nilang airstrike.