LAOAG CITY – Nagbigay ng meryendaa ang isang person with disability (PWD) sa mga tao sa kinalakihan niyang lugar sa Brgy. Lasien, Badoc, Ilocos Norte.

Nakilala ang PWD na si Leonardo Rosete o tinatawag sa pangalang Basil, na residente sa Sitio Silangan, Brgy. 16 Quiling Norte, Batac City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Laoag, pangangangalakal ang trabaho ni Basil at hindi ang rason para makatulong sa iba.

Iniipon niya ang mga napupulot niyang mga basura at ibinebenta sa junkshop upang may pambili siya ng meryenda na ibibigay naman sa mga bata at kaibigan sa kanyang lugar.

Dahil dito ipinost sa internet ang mga nakuhang larawan sa ginagawa ni Basil at umabot sa mahigit 3,000 likes at mahigit 2,000 shares matapos ang 10 oras.