-- Advertisements --
Inatasan ni Russian President Vladimir Putin ang kaniyang defense minister na magpatupad ng tigil putukan o ceasefire sa Ukraine sa loob ng 36 oras.
Magsisimula ito mula Enero 6 at 7 para makadalo ang mga Orthodox Christians sa Christmas services.
Karamihan kasi sa mga Orthodox Christians ay nagdiriwang ng kanilang Pasko tuwing Enero 7.
Una ng nanawagan si Patriarch Kirill ang lider ng Russian Orthodox Church ng tigil putukan para bigyan daan ang pagdiriwang ng kanilang kapaskuhan.