-- Advertisements --
Nagpaalala ang Department of Agriculture (DA) na hindi dapat gamitin ang nalalapit na 60-day rice import ban bilang basehan para magtaas ng presyo ng bigas.
Ito ay matapos maobserbahan ng DA ang pagtaas ng presyo ng imported rice mula ₱43 sa ₱45 kada kilo.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, magiging epektibo ang import ban sa Setyembre, kaya walang dapat na retailer na magtaas ng presyo.
Tiniyak din niya na sapat ang suplay ng bigas sa bansa, at may darating pang imported rice ngayong Agosto.
Naniniwala ang opisyal na posibleng espekulasyon at hindi kakulangan sa supply ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas.
Tuloy-tuloy naman ang tulong ng ahensya sa mga lokal na magsasaka sa bansa para makaahon sila sa kahirapan.