-- Advertisements --
Ikinatuwa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na ang mataas na inilaang pondo ngayong taon ay siyang magpapalakas ng fishery at agricultural sector.
Kasunod ito na sa P6.793-trillion na budget ngayong taon ay mayroong P297.102 bilyon na inilaan sa agricultural sector.
Ang nasabing halaga ay mas mataas kumpara sa P237.4-B na inilaan sa Department of Agriculture noong nakaraang taon.
Dagdag pa ng kalihim na ang mataas na budget lalo na sa imprastruktura, farming support at postharvest facilities ay magpapalakas ng productivity at mababawasan ang pagkalugi ng mga magsasaka.
















