-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na kanilang papalawigin ngayong taon ang P20-per-kilo rice program.

Ang nasabing programa ay bahagi ng plano ng gobyerno na umabot sa 15 milyon na kabahayan sa pagtatapos ng 2026.

Naglaan kasi ang gobyerno ng P23 bilyon noong 2026 para i-subsidize ang P20 rice program na unang target ang mga nasa vulnerable sectors.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na nagsimula ang nasabing programa para lamang sa mga 4Ps beneficiaries , persons with disabilities, single parents at senior citizens.

Dagdag pa nito na ngayong taon ay target nila ang 15milyon na kabahayan o nasa 60 milyon na mga Filipinos.

Paglilinaw ng opisyal na mananatili pa rin ang purchase limit para mai-manage nila ang supply ng bigas.