Mahigpit na nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na bawal na pagpustahan ang magiging resulta ng botohan sa Mayo 9.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, mahaharap sa pagkakakulong ang sinumang mapapatunayang sangkot sa nasabing ilegal na gawain alinsunod sa probisyon ng Omnibus Election Code.
Bukod dito ay muli ring iginiit ni Garcia ang matagal na niyang babala hinggil sa vote-buying at vote-selling.
Aniya, hindi nakabatay sa laki ng halaga ng pagbili ng boto ang pananagutan sa batas ng isang indibidwal na sangkot dito.
Paliwanag niya, maituturing nang vote-buying at vote-selling kung in-cash man o sa pamamagitan ng pangakong tulong ang kapalit ng boto.
Magugunita na kaugnay nito ay bumuo na rin ng Task Force Kontra Bigay ang komisyon upang tiyakin din na mapapanagot sa batas ang sinumang sangkot naturang ilegal na gawain.