-- Advertisements --

Ipinatupad na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga class suspensions at liquor ban sa lungsod bilang bahagi ng kanilang preparasyon sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang pahayag, kinumpirma mismo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nakahanda at itatalaga nila katuwang ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang Law and Order Cluster para sa maayos na pagllatag ng seguridad sa buong Batasan Complex.

Maliban dito ay magtatalaga rin ng karagdagang tauhan ang Traffic and Transport Management Department ng Quezon City para naman sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa kugar kung saan gaganapin ang SONA ng Pangulo.

Samantala, mayroon din silang sapat na bilang ng mga emergency response units na siya anamang naka-standby kung sakali na mangailangan ng karagdagang medical support at assistance ang publiko.