MOSCOW, Russia – Inanunsyo ng Russia na nasakop nila ang mga nayong Zelenyi Hai sa Donetsk at Maliivka sa Dnipropetrovsk sa silangang Ukraine.
Hindi naman kinumpirma ng Ukraine ang pagkadehado nila sa mga village, ngunit iniulat nito ang matinding bakbakan.
Ayon kay President Volodymyr Zelenskyy, nananatiling sentro ng sagupaan ang lungsod ng Pokrovsk.
Isiniwalat niya rin ang matagumpay na operasyon ng Ukrainian forces sa Sumy sa northern border.
Sa ngayon, wala pang malinaw na data hinggil sa mga pahayag ng parehong panig.
Matatandaang ang ikatlong pagpupulong sa Turkey ay naganap upang talakayin sana ang conflict resolution.
May pag-usad naman sa pagpapalitan ng mga bihag at labi ng mga nasawi, ngunit walang kasunduan sa tigil-putukan.
Araw-araw ipinapahayag ng Russia ang pagkuha sa mga bagong teritoryo sa kanilang pag-abante.
Tinukoy ng Russian Defense Ministry ang Zelenyi Hai bilang mahalagang kuta ng Ukraine ang kanilang nasakop.
Binanggit naman ng Ukraine na ilang pag-atake sa Maliivka at Zelenyi Hai ay kanilang napigilan, habang patuloy ang walang tigil na pagsalakay sa Pokrovsk.