Umabot na sa P96.90 million ang halaga ng pinsalang inabot ng sektor ng pagsasaka dahil sa pananalasa ng bagyong Crising at hanging habagat.
Batay sa report na inilabas ng Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, ang naturang pinsala ay mula sa mahigit 6,037 ektarya ng mga sakahang naapektuhan.
Ito ay nagdulot ng kabuuang 2,236 metric tons na volume loss na ikinalugi ng kabuuang 4,665 magsasaka at mga mangingisda.
Batay pa sa report ng DA, 97.17% ng naturang danyos ay sa rice industry. Ang nalalabi ay pinaghati-hatian na ng high value crops, mais, at sektor ng pahhahayupan.
Ang mga lugar na pinaka-apektado ay ang mga probinsya ng Palawan, Occidental Mindoro, Negros Occidental, Tarlac, at probinsya ng Cagayan.
Inaasahang magbabago pa ang naturang datus habang nagpapatuloy ang assessment at field validation ng mga field validators ng DA sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na pangunahing naapektuhan sa naturang kalamidad.