Pinaghandaan na ng Negros Oriental Police Provincial Office ang pagsisimula ng election season sa Enero sa susunod na taon.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay PLt Stephen Jaynard Polinar, spokesperson ng Negros Oriental Police Provincial Office, sinabi nito na maaga silang nakipag koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines kung ano ang magiging hakbang.
Ayon kay Polinar hindi pa kasi nagpatawag ang Commission on Elections (COMELEC)ng Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) meeting pero sa kanilang hanay ay naghahanda na umano.
Sa kasalukuyan pa ay nasa ilalim ng operational control ang Negros Oriental at Siquijor sa Police Regional Office-7 habang ang Negros Occidental naman sa Police Regional Office-6.
Sinabi pa nito na tuloy-tuloy ang kanilang assessment at isa sa mga problemang kanilang tinitingnan ay away sa pulitika, gayunpaman,inaasahan na umano nila ito at kailangan lang nilang gumawa ng mga proactive na hakbang.
Hinihikayat at nakiusap rin umano sila sa mga naghahain ng kanilang COC’s na magkaroon ng malinis at mapayapang campaigning election sa susunod na taon.
Sa ngayon, hinihintay nila ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa midterm elections at ito pa aniya ang kanilang pagbabasehan sa kanilang threat assessment.