-- Advertisements --

Patay ang hindi bababa sa siyam (9) katao at halos labing-isa (11) pa ang sugatan matapos pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki ang mga sibilyan sa Bondi Beach, Australia ngayong Linggo, Disyembre 14.

Ayon sa ulat ng pulisya, hawak na nila sa kustodiya ang mga suspek, kung saan ang isa ay nasa kritikal na kondisyon matapos tamaan ng bala sa pakikipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.

Kaugnay nito, nagbigay ng pahayag sa internet si Prime Minister Anthony Albanese, at tinawag ang pangyayari na isang “nakakagulat at nakakabahala.”

“Police and emergency responders are on the ground working to save lives. My thoughts are with every person affected,” ani Albanese.

Samantala, wala pang ibinibigay na impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa dahilan ng insidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ang nangyaring pamamaril ay ang pinakabagong naitalang mass shooting sa loob ng 29 na taon.