-- Advertisements --
Kumpiyansa si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sa sa mga susunod na dalawang linggo ay lalabas na ang warrant of arrests laban sa mga Senador na sangkot sa flood control anomalies.
Sinabi nito na dahil nakalabas na ang warrant of arrest ni dating Ako-Bicol Partylist representative Zaldy Co ay hindi malayong lalabas na rin ang ibang mga warrant of arrest na sangkot.
Ilan sa mga maaring makasama na mailabas na ay ang warrant of arrest ni dating Senador Ramon Revilla dahil sa matagal na itong iniimbestigahan.
Magugunitang kasama ang pangalan ng dating Senador na inirekomenda ng Independent Commission on Infrastructure’s (ICI) na kasuhan sa Office of the Ombudsman dahil sa pagkakasangkot sa nasabing anomalya.















