BACOLOD CITY—Patay ang intelligence officer ng Pontevedra Municipal Police Station matapos binaril habang nagdya-jogging kasama ang akalde sa Reclamation Area, Barangay 1, Pontevedra, Negros Occidental kaninang umaga.

Kinilala ang biktima kay P/Staff Sgt. Ildefonso Casugod at residente ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Pontevedra Mayor Jose Maria Alonso, inihayag nito na mga lima hanggang sampung metro lang ang layo nila ni Casugod ng mangyari ang pamamaril.

Aniya, palagi siyang nagdya-jogging sa reclamation area sa likod lamang ng municipal hall tuwing umaga at palagi nitong nakakasabay si Casugod.

Dagdag pa ng alkalde na naglalakad lang ang hindi pa nakikilalang suspek na nakasuot ng kulay asul na jacket na mayroong hood at face mask ng binaril nito sa ulo ang pulis.

Matapos nitong barilin si Casugod, tumakas ang suspek sakay sa kanyang motorsiklo.

Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente.