Nagluluksa ang Bulacan PNP sa pagkamatay ng isa nilang kabaro sa isang engkwentro na nangyari sa bayan ng Plaridel.

Una rito, kapwa nasawi sa isang follow-up operation sa nasabing bayan ang isang miyembro ng Bulacan Provincial Intelligence Branch na nakilalang si Cpl. Ronnie Tamaliuan, at ang isang suspek.

Batay sa pulisya, nag-report ang isang kapitan ng barangay kaugnay ng paggala ng suspect sa lugar.

Nang tunguhin ng otoridad ang lugar ay agad na nagpaputok ang suspect, dahilan para gumanti ang mga pulis.

Nagawa pang makatakas ng suspect at patuloy na nakipagpalitan ng putok sa otoridad habang nagtatago sa isang bahay hanggang sa tamaan ito ng bala.

Sa gitna ng barilan ay tinamaan naman si Tamaliuan.

Naisugod pa ang pulis sa Dr. Peralta Hospital pero idineklara itong dead on arrival.