ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang pulis sa pamamaril sa lungsod ng Zamboanga matapos na rumesponde sa reklamo hinggil sa nagaganap na drag racing.

Tinukoy ni Zamboanga City Police Office spokesperson P/Cpt. Edwin Duco ang biktima na si Patrolman Pedro Umpad.

Ayon kay Duco, nangyari ang nasabing pamamaril matapos na madakip ang ilan sa mga nakilahok umano sa nasabing drag race.

Aniya, makaraang humarurot ng takbo gamit ang kani-kanilang mga motorsiklo saka nagpaputok ang hindi pa nakikilalang mga gunmen, rason para tamaan ang biktimang pulis.

Sa ngayon ay puspusan ang paghahanap ng pulisya sa mga nakatakas na suspek.