Patay ang isang pulisa sa Paris matapos na ito ay saksakin sa loob ng police station sa Rambouillet.

Ayon kay French interior minister Gerald Darmanin na inaalam pa nilang mabuti ang motibo ng susupek sa pananaksak.

Malaki naman ang paniniwala ni Ile de France region president Valérie Pécresse na konektado sa terorismo ang naturang insidente.

Nagpaabot na ng pakikiramay si French Prime Minister Jean Castrex sa pamilya ng nasawing biktima.