Tuluyan ng sinibak sa pagkapulis ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar si Corporal Rocky Delos Reyes matapos na ito ay naging guilty sa pamamaril at pagpatay sa anim na taong gulang na si Gian Habal noong Abril 28.

Ang nasabing desisyon ay dahil sa bigong ipresenta ni Delos Reyes ang ebidensya na hindi niya binaril si Habal.

Bukod sa pagtanggal sa pagiging pulis ay sinampahan din si Delos Reyes ng kasong murder, attempted murder at violation of the gun ban sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Lumabas sa imbestigatsyo na naglalaro lamang sa labas ng kanilang bahay si Habal ng nabaril ito sa ulo habang may hinahabol na drug suspek si Delos Reyes.