CEBU CITY- Patay ang isang pulis matapos umano nangholdap ng isang head guard sa loob ng isang subdivision ng Baranggay Tisay lungsod ng Cebu.

Kinilala ang namatay na si Police Corporal Jobie Antipolo na nabatid na nag AWOL na sa serbisyo.

Habang sugatan at naisugod na sa pagamutan ang hinold-ap na isang head guard na kinilalang si Edwin Velos.

Base sa imbestigasyon ayon naman ng witness na isang driver ng habal-habal o pampasaherong motor na nakita umano niyang nakasunod ang isang motor na lulan ng pulis at kasama nito sa motor ng head guard.

Bigla nalang umanong nagbarilan at bumulagta ang headguard dahilan na kinuha ng angkas ng naturang pulis ang motor ng head guard dahil nandoon umano sa U-box ang pera at agad sinakyan.

Pinaniniwalaan namang tinraydor at binaril ng kanyang kasama ang naturang pulis para masolo umano nito ang pera.

Patuloy namang beniberipika ngayon nga pulisya kung ano ang tunay na nangyari. At tinutugis na rin ang isa pang holdaper na nakatakas.

Nabatid na nakilala na isang pulis ang sinasabing holdaper na namatay dahil sa ID nito at positibo itong kinilala ng isa sa mga miyembro ng SOCO Team na di umano naging classmate nito ang napatay.