-- Advertisements --

Maaaring maharap ngayon sa kasong administratibo ang pulis na bumunot ng baril sa kapwa niya motorista matapos ang naging alitan nito sa isang kalsada sa lungsod ng Maynila.

Ipinag-utos na rin ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.

Ang insidente ay naganap sa Sta. Ana, Maynila noong Mayo 12, 2025.

Sa video na kumalat online ay makikitang nagkainitan ang dalawang motorcycle rider at isa na dito ang naturang pulis.

Sa gitna ng initan ng pagtatalo ay bumunot ito ng baril .

Ayon kay Marbil, ang sangkot na pulis ay nailipat na sa District Personnel Holding and Accounting Section ng Manila Police District.

Isinuko na rin nito ang kanyang baril habang hinihintay ang resulta ng isinagawang imbestigasyon.

Muling iginiit ni Marbil na hindi nila kukunsintihin ang ganitong pag-uugali ng kanyang mga tauhan.