-- Advertisements --

Walang nakikitang magiging problema ang Palasyo sa implementasyon ng P20/kilo bigas sa mga lugar na hindi kaalyado ng administrasyon ang nanalo sa katatapos na halalan.

binigyang diin ni Palace Press Officer Claire Castro na ang serbisyo ng pamahalaan ay para sa taumbayan sinuman ang nakaluklok na opisyal.

Umaasa ang Malakanyang na maging bukas ang lahat sa pagtataguyod ng programa ng gobyerno para sa mga kababayan.

Matatandaangsa Cebu unang ipinatupad ang pagbebenta ng murang bigas dahil suportado umano ng lokal na pamahalaan doon.

Kaugnay nito, inanunsyo ni Castro na kahapon ay nagsimula na rin ang pagbebenta ng P20 bigas sa Metro Manila sa pamamagitan ng Kadiwa Centers.

Bukas naman anya ay magiging available na rin ito sa iba pang Kadiwa Centers sa ilang lalawigan partikular sa Bulacan, Cavite, Mindoro at Rizal.