-- Advertisements --

Nanalo bilang gobernador ng probinsya ng Abra si Eustaquio ‘Takit’ Bersamin, ang kapatid ni dating Supreme Court Chief Justice at kasalukuyang Executive Secretary Lucas Bersamin.

Dinumina ni Bersamin ang probinsya ng Abra at nakakuha ng 130,512 votes habang ang kaniyang kalaban na si Kiko Bernos ay nakakuha lamang ng mahigit 34,000 na boto.

Nanalo rin bilang vice governor ang pamangkin ni ES Bersamin na Anne Bersamin bilang vice governor ng naturang probinsya. Nakakuha si Anne ng 127,534 votes habang 35,431 lamang ang nakuha ng kalabang si Joy Bernos.

Ang dalawang Bernos na nakalaban ng dalawang Bersamin ay mag-ina at ilang taon na ring sumasabak sa pulitika sa naturang probinsya.

Ang probinsya ng Abra ang isa sa mga pangunahing binantayan ng Commission on Elections dahil sa mga serye ng patayang nangyari, bago ang May 12 elections.

Bago ang araw ng halalan, naaresto rin ng Armed Forces of the Philippines ang mahigit 30 katao na may dala-dalang high-powered firearms na umano’y pawang mga supporter at tauhan ng ilang kandidato sa lugar.