Natanggap na ng halos 40k na mga guro at election workers sa Bicol region ang kanilang honoraria mula sa Commission on Elections.
Ito ay dahil sa naging pagsisilbi nito sa nakalipas at matagumpay na 2025 National and Local Elections noong Mayo 12 ng kasalukuyang taon.
Sa isang pahayag ay sinabi ni COMELEC Bicol Regional Director Atty. Ma. Juana Valeza, ang pagbibigay ng bayad sa mga guro at iba pang mga election workers ay bahagi ng kanilang mandato.
Ibinigay ito sa loob ng labinlimang araw pagkatapos ng halalan.
Batay sa datos, aabot sa kabuuang 39,745 katao ang nakakuha na ng kanilang honoraria.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga miyembro ng Election Board, support staff, DepEd Supervising Officials, DESO technical support staff, DESO administrative support staff, Board of Canvassers members, Regional Coordinating Groups at maging ang tech hubs support personnel.
Pinakamalaking bilang ng mga guro at election workers na nakatanggap ng honoraria ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur na mayroong 12,844 poll workers.
Sinundan ito ng Albay na may 8,723, Masbate ( 6,339), Sorsogon ( 5,618), Camarines Norte ( 3,684) at Catanduanes na mayroong (2,537).