-- Advertisements --

Nakapagtala ng halos 100% na ang mga voting returns mula sa iba’t ibang rehiyin sa buoang bansa ikalwang araw matapos ang eleksyon.

Ayon sa datos na ibinigay ng Philippine National Police-Publuc Information Office (PNP-PIO) at ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC), ang termination ng casting ng mga boto ay nasa 100% na habang ang returns naman ngayong eleksyon ay nasa 98.92% na ngayong araw.

Sa kabila nito, ang National Capital Region ay nananatili sa 64.58% na siyang pinaamabagal na naitala sa mga naging voting returns sa lahat ng rehiyon sa buong bansa.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) PMaj. Hazel Asilo, dahilan sa likod ng mga naging mababang porsyento ng mga voting returns ay dahil nakasalalay umano sa Commission on Election (Comelec) kung kailan dapat magpapaschedule. Ang iba rin aniyang mga voting centers ay bukas pa aniya pipick-upin ng Comelec.

Samantala, nananatiling ongoing pa ang pagpupulong ng NCRPO kasama ang mga tauhan ng Comelec para sa agarang pagpapadala ng mga election paraphernalia sa tanggapan ng Comelec.

Sa kasalukuyan nagpapatuloy sa paguupdate ng kanilang mga election returns ang NCRPO para mapabilis na rin ang proseso nito.