Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Ports Authority na nakipag coordinate na sila sa kanilang mga stakeholder upang maiwasan ang sakuna matapos ang nakitang problema ng San Juanico Bridge.
Layon ng hakbang na ito na tiyakin ang mas magandang operasyon ng mga Roll-On/Roll-Off (RORO) vessels sa mga pantalan bilang magiging alternatibo ng mga motorista at malalaking truck.
Kabilang sa mga pantalang ito ay Tacloban, Calbayog, Catbalogan, Biliran, Ormoc, Manguinoo Port sa Calbayog, Samar, Hilongos; Maasin Port, Naval, Palompon, Calubian, at maging ang Villaba Port.
Maaaring gumamit ng RORO vessel ang mga mabibigat na truck na hindi pwedeng dumaan sa tulay.
Una nang ipinatupad ng Department of Public Works and Highways Regional Office VIII ang tatlong toneladang maximum gross vehicle weight limit sa mga truck na gagamit ng tulay.
Ito’y kasunod ng nakitang problema sa tulay na kailangan ng kaukulang aksyon para maiwasan ang aksidente.