-- Advertisements --

Agad na ipinag-utos ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang mabilisang paggawa ng bagong pantalan sa Pio Duran Port sa Albay.

Ito ay matapos na mapinsala mula sa nagdaang bagyong Uwan.

Sa isinagawang inspeksyon ni Lopez ay inabisuhan niya ang Philippine Ports Authority (PPA) na agad na magtayo ng bago at maluwag na pantalan at ang road connector dahil nasa 30 cargo trucks ang na patungo sa Masbate ang dumarating at sumasakay ng barko kada araw.

Isang mahalagang bagay din ang pier sa mga residente at pasahero dahil isa ito sa trade and business center ng munisipalidad.

Binigyang ding halaga nito ang pagtatayo ng gusali ng mga Philippine Coast Guard para mabilis ang pagresponde tuwing may sakuna sa karagatan.