-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 4.5 million na pasahero ang naitala ng Philippine Ports Authority sa mga pantalan sa bansa ngayong holiday season.

Ang bilang na ito ng mga pasahero ay naitala mula Disyembre 15 hanggang Disyembre 30 ng kasalukuyang taon.

Sa isang panayam , sinabi ni PPA spokesperson Eunice Samonte na mas mataas ang bilang na ito kumpara parehong panahon noong nakalipas na taon. 

Inaasahan ng PPA na malalampasan ng mga datos na ito ang kanilang target na 4.6 million na pasahero ngayong taon.

Pinayuhan rin ng PPA ang mga pasahero na huwag tangkilikin ang mga fixers at huwag makipag transaksyon sa kanila.

Mahigpit rin na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na kagamitan o item kabilang na ang mga alak at mga firecrackers para maging matiwasay ang byahe ng mga pasahero.