Arestado ang isang pulis-Maynila dahil sa pagbebenta umano ng iligal na droga nitong nakalipas na Huwebes ng gabi.

Halos isang linggo ng minanmanan ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Patrolman Ferdinand Rafael, 52, nakadestino sa Manila Police District.

Nakuha sa kustodiya nito ang nasa 15 gramo na pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Taon 1995 ng maging pulis si Rafael subalit ito ay nag-AWOL at nakabalik sa serbisyo noong 2002.