-- Advertisements --

canon1

Binalot ng tensiyon ang kilos protesta sa Maynila at Quezon City kaugnay sa paggunita ng ika-49th anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Sumiklab ang girian sa pagitan ng mga pulis at militanteng grupo ng gamitan ng water canon ng Manila Fire Department ang mga rallyista sa may bahagi ng Escolta sa Manila kung saan nagsagawa ng maikling programa ang militanteng grupo.

Ayon kay KMU Sec. Gen Jerome Adonis, nais lamang nilang magsagawa ng kilos protesta para ihayag ang kanilang mga hinaing.

Alegasyon naman ng grupo ni Adonis na sila ay marahas na itinulak ng mga pulis.

Papunta din sana ang grupo nila sa Liwasan Bonifacio pero hinarang na rin sila ng mga otoridad.

Nagkaroon din ng tensiyon sa Quezon City ng tangkain ng mga rallyista na makalapit sa Welcome Rotonda.

canon3

Ayon sa pamunuan ng QCPD walang permit ang mga rallyista kayat makalipas ang ilang minutong negosasyon ay umalis na din ang militanteng grupo.

Una ng iniulat na sa Liwasan Bonifacio gaganapin ang protest rally ng militanteng grupo kung saan nagsimula ito kaninang alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.

Una ng sinabi ni NCRPO chief MGen. Vicente danao na nasa 4000 police personnel ang kanilang idineploy para tiyakin ang seguridad lalo na at may magsasagawa ng kilos protesta.