Arestado ang isang pulis na nakatalaga sa Calabarzon sa isinagawang anti-drug operations sa Makati City.

Inaresto sa kaniyang bahay sa Barangay East Rembo, Makati City ang pulis na si Police Staff Sergeant Chris Marquez na nakatalaga sa police security and protection group.

Kasamang naaresto ang kaibigan nitong si Dennis Tamonan.

Ayon sa pulisya, matapos na makatanggap sila ng impormasyon sa ginagawang pagbebenta ng suspek ay agad nilang ikinasa ang operasyon.

Nakuha sa suspek ang ilang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng umano’y iligal na droga.

-- Advertisement --