Hinimok ng Malacañang ang publiko nitong Martes na agad i-report sa awtoridad ang anumang impormasyon tungkol kay Cassandra Li Ong, na nananatili sa bansa habang patuloy ang paghahanap sa kanya.
Ayon kay Malacanang press officer usec Claire Castro, kumpirmado ng DILG na nasa Pilipinas pa si Ong at itinuturing na fugitive matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya.
Sinabi rin niya na lahat ng uri ng tulong mula sa publiko, maliit man o malaki, ay makakatulong sa gobyerno upang maharap ang mga fugitives sa hustisya.
Nag-aalok ang Department of Justice ng PHP 1 milyon na reward para sa impormasyon sa kinaroroonan ni Ong, isa sa mga pangunahing personalidad sa kasong human trafficking kaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Central Luzon. (report by Bombo Jai)
















